CEU unang kampeon ng NCBL

MANILA, Philippines - Tinalo ng Centro Escolar University ang Trinity Univer­sity of Asia, 77-52, para tanghaling kauna-unahang kampeon sa National Collegiate Basketball League (NCBL) Founders Cup sa CEU gymnasium.

 Hindi nagpadaig ang Scorpions sa bilis at lakas ng katunggali at agad na kinuha ang 19-8 bentahe sa unang limang minuto ng laro patungo sa panalo.

Umiskor si Jayson Gatchalian ng 12 markers para sa CEU kasunod ang 10 ni Jayson Opiso.

Nakopo naman ng Technological University of the Phi­­lippines ang ikatlong puwesto matapos gapiin ang Don Bosco Technological College, 79-67.

 

Show comments