Bradley panalo kay Provodnikov

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ilang beses na muntik na pagbagsak, nanalo pa rin si world wel­terweight titlist Timothy Brad­ley, Jr. laban kay Russian challenger Ruslan Provodnikov via unanimous de­cision kahapon sa Home De­pot Center sa Carson, Ca­lifornia.

Nakakuha si Bradley kina judges Marty Denkin at Jerry Cantu ng parehong iskor na 114-113 laban kay Provodnikov, habang 115-112 naman ang nagmu­la kay Raul Caiz Sr. para mapanatiling bitbit ang World Boxing Organization welterweight belt.

Itinaas ni Bradley ang kanyang win-loss-draw ring record sa 30-0-0 kasama ang 12 knockouts, habang may 22-2-0 (15 KOs) si Pro­vodnikov.

Ito ang unang pagta­tanggol ng 29-anyos na si Brad­ley sa kanyang WBO title na kanyang inagaw kay Manny Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) mula sa isang kontrobersyal na split decision win noong Hunyo 9, 2012.

“I’m still dizzy,” sabi ni Bradley matapos ang kanyang panalo kay Provodnikov. “He’s going to be a world champion one day. He’s a strong puncher who steps into his punches.”

Inamin din ni Bradley na mas malakas ang 29-anyos na si Provonikov kumpara sa 34-anyos na si Pacquiao.

“He hits far harder than Pacquiao,” pagkukumpara ni Bradley kina Provodni­kov at Pacquiao. “His punches are shorter and tighter.”

Sa first round pa lamang ay muntik nang ma­kaiskor ng KO win si Provodnikov nang mapabagsak si Bradley na itinuring naman ni referee Pat Russell na isang pagkakadulas lamang.

“I deserved to win, I de­­served to win,” reklamo na­man ni Pro­vodnikov ma­tapos ang laban.

 

Show comments