Pinoy paddlers sasagwan sa Manila Bay Seasports Festival

MANILA, Philippines - Mga beteranong atleta sa mga palarong dagat ang matutunghayan sa muling pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Festival sa Marso 16 at 17.

Lalahok sa dragon boat competition ang  One Piece Dragon Sangress, Rogue Pilipinas, Triton Dragon Racing Teams, Amateur Paddlers Philippines, Maharlika Dragon, Blue Phoenix, Onslaught Racing Dragons, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Manila Ocean Park, Dragons Republik Philippines, Adamson Draconis Falco, RCP Sea Dragon, Cebu Dragons, Lake Buhi, at Buhi-Camsur Team.

Dadayo naman upang maglaban-laban sa stock at formula races ng bancathon ang batikang mga bangkero mula Pangasinan, Cavite, Quezon, Batangas, La Union, Negros Occidental, Navotas, Cagayan Valley, Surigao del Sur, Laoag, Misamis Oriental, Binangonan, at Iloilo.

Handog ng Manila Broad­casting Company, Star City at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay  Seasports Festival ay inaa­sahang  dudumugin ng mga manonood sa Baywalk. 

Alas-otso ng umaga magsisimula ang mga ka­rera.

Show comments