MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang init ng paglalaro ni Francisco “Django†Bustamante nang manalo sa 4th Annual Chet Itow Memorial Cup na ginawa kamakailan sa Californina Billiard Club sa Mountain View sa USA.
Ang mga malalaking pangalan sa pool tulad nina Rodney Morris at Jayson Shaw bukod pa sa iba pang Pinoy gaya nina Ronato Alcano at Warren Kiamco ang kabilang sa 109 na manlalaro na sumali.
Pero walang nakatapat sa husay ni Bustamante na hindi natalo sa kabuuan ng torneo para ibulsa ang $2,500 unang gantimpala.
Si Shaw ang siyang nakaharap ni Bustamante sa Finals nang bumangon ito mula sa one-loss bracket sa pagsungkit ng 14 na sunod na panalo.
Lumamang pa si Shaw sa 4-2 ngunit nanumbalik ang husay ni Bustamante at tinapos ang laban bitbit ang anim na sunod na paÂnalo upang kunin ang ikatlong titulo sa taon.
Naunang nanalo si Bustamante sa 2013 Derby City Classic Banks Division at Master of the Table.
Napalaban sa hot seat si Bustamante nang taÂlunin si Stevie Moore, 8-3, bago pumasok sa Finals sa pamamagitan ng 8-3 tagumpay kay Morris.
Sa unang laro ay natalo agad si Shaw kay Alcano para mangailangang ipanalo ang lahat ng hinarap na laro.
Si Alcano ay nabawian niya sa ikalawang pagtutuos sa loser’s side.
Tumumbok si Shaw ng 8-2 panalo kay Amar Kang bago umani ng kaparehong iskor nang taÂlunin si Morris para kunin ang karapatang harapin si Bustamante.
Ang nakuhang premyo ni Bustamante ay nagsu-long sa kanyang kinita ma-tapos ang siyam na laban sa $43,450.00 at ito ay higit na sa kinita niya noong 2011 at 2012 na pumalo sa $35,025.00 at $17,300.00.
Nakontento si Shaw sa gantimpalang $1,600.00 habang si Morris ay mayroong $1,000.00 premyo.