MANILA, Philippines - Para palakasin ang kanilang tsansa sa darating na Challenge Cup qualifiers ngayong Marso, humugot ang Philippine Football Federation (PFF) ng isang goalkeeper coach.
Ipinakilala ng PFF si Pascal Zuberbuhler, isang dating goal keeper para sa Swiss national football team at sa Fullham Football Club sa isang press conference para sa Challenge Cup qualifiers.
Kinuha ng PFF ang 6-foot-5 na si Zuberbuhler bilang goalkeeper coach ng Azkals na patuloy na mamandohan ni German head coach Michael Weiss.
Ang magiging trabaho ng 42-anyos na si Zuberbuhle, naging bahagi ng Swiss team na nakapasok sa 2006 FIFA World Cup, ay sanayin si Azkals goalkeeper Eduard Sacapaño at iba pang Filipino goalies na kasama sa training pool.
Kaagad na pinuri ni Zuberbuhler ang 30-anyos na si Sacapaño, pumalit kay Neil Etheridge sa nakaraang kampanya ng Azkals.
Nauna nang nakasama ang Swiss sa Azkals’ coaÂching staff noong 2011 kung saan naging maikli lamang ang kanyang panahon bilang goalkeeping coach bago lumahok ang Azkals sa first round ng 2014 World Cup qualifier kontra sa Sri Lanka noong Hunyo ng 2011.