MANILA, Philippines - Walang dayaan na nangyari sa laban nina WBO lightflyweight champion Donnie Nietes at Mexican challenger Moises Fuentes noong Sabado sa Waterfront Hotel Pacific Ballroom sa Lahug, Cebu.
Nauwi sa tabla ang laban pero napanatili ni Nietes ang titulo dahil ang Filipino judge na si Atty. Danrex Tapdasan ay nagbigay ng 115-113 panalo sa nagdedepensang kamÂpeon.
Ang dalawang American judges na sina Adalaide Byrd at Pat Russell ay nagsabing tabla sa 114-114 ang bakbakan.
“Yes, it was a close and tough fight but Donnie was never hurt while Fuentes was rocked a few times and obviously, Nietes threw the clearer and harder punches. Admittedly, Fuentes threw more punches but missed a lot too,†wika ni ALA Promotions chairman Tony Aldeguer.
Hiniling ng kampo ni Fuentes na magkaroon ng reÂmatch ngunit wala nang Filipino judge na mauupo bilang hurado kung ito ay gagawin sa bansa.
Ang dating Mexican world champion na si Marco Antonio Barrera na ang kapatid na si Jorge ang tumatayong manager ni Fuentes, ay naniniwalang apat na rounds ang naipanalo ng kanyang kababayan at dapat na nanalo sa bakbakan,
Wala pa namang balak ang ALA kay Nietes na naputukan sa magkabilang kilay at kinailangan ang 12 stitches para maisara ang sugat.
“We have not thought of a rematch yet but we’ll see what’s out there for Donnie in the coming months. It was a close fight and I felt that Donnie deserved to win regardless of who the judges were,†dagdag ni Aldeguer.
Ito ang ikalawang title defense ng dating WBO miniÂmumweight champion sa kanyang korona at ito ang ikaapat na tabla sa kanyang 36 na laban na kinatampukan ng 31 panalo.