MANILA, Philippines - Malakas na panimula ang ginawa ng NLEX Road Warriors upang gapiin uli ang Cagayan Valley, 82-71, at angkinin ang titulo sa PBA D-League Aspirants’ Cup na pinaglabanan kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Binomba agad ng Road Warriors ang Rising Suns ng 11-0 bomba sa paÂnimula ng labanan na naÂging sandata ng koponan para iwanan agad ang katunggali tungo sa ikaapat na sunod na titulo sa liga.
“How sweet it is when you finish on top. Kakaiba ito sa nauna naming titles dahil hindi kami magkakasama sa mga unang bahagi dahil may mga commitments sila at may mga injuries ang iba. Ang maganda lang ay magkakasama kami ngayon at nagsasaya sa pagkapanalo ng title,†wika ni Fernandez.
Si Garvo Lanete ay mayroong 17 puntos sa 6-of-11 shooting bukod sa pitong rebounds at 3 assists habang si Borgie Hermida ay naghatid ng 10 puntos bukod sa nanguÂngunang anim na assists.
May 9 puntos si Ian Sangalang bukod pa sa nangungunang apat na blocks habang si Jake Pascual ay humablot ng 13 boards at ang NLEX ay nagdomina sa aspetong ito, 54-36, kasama ang 20-10 sa offensive rebounding.
“I’m happy that the plaÂyers raised their level of play. They really wanted to finish this game. Gusto na rin nilang magpahinga dahil mahaba rin ang preparasyon namin,†dagdag ni Fernandez.
Si Eliud Poligrates ay may 21 puntos para sa Suns na nakita ang kaÂnilang coach na si Alvin Pua na napatalsik sa laro.
Sa 4:42 sa second period nasipa sa laro si Pua nang patirin ang referee.
Tila nagkaroon ng maÂgandang epekto ito sa Suns dahil napababa ng Cagayan ang 36-18 kalamangan tungo sa walo, 45-37.
“Bumaba ang enery level namin matapos ng ejection dahil inisip nila na tapos na ang laban. Kaya nagalit ako at sinabing hindi pa ito tapos at maganda at tumugon sila,†paliwanag ni Fernandez.
Tig-limang puntos ang ibinagsak nina Sangalang at Ronald Pascual para sa 14-6 palitan at ibalik sa 16 ang kanilang bentahe, 59-43.
Huling hirit ng Cagayan ay sa apat na sunod na free throws nina Mark Bringas at Edrian Lao para lumapit uli sa pito, 61-54, ngunit gumawa ng tatlong steals at limang puntos si Kirk Long para ibigay sa NLEX ang 70-56 kalamangan sa huling limang minuto ng labanan.
Bigo man ay taas-noo naman na nilisan ng CagaÂyan Valley ang court dahil nagawa nilang pumasok sa Finals kahit sinimulan ang kampanya sa liga noong nakaraang confeÂrence sa 0-9 karta.