Matalas din ang dila nitong si Guillermo Rigondeaux, ang Kubano na makakalaban ni Nonito DoÂnÂaire Jr. sa April 13 sa Radio City Music Hall sa New York.
Eh halos hindi pa tapos ang press conference nung isang araw sa New York para pormal na i-announce ang kanilang laban at rumatsada na ng husto si Rigo.
Una, wala raw siyang takot kay Donaire, ang kampeon sa WBO super-bantamweight division. Si Rigo naman ang may hawak ng WBA title.
Walang respeto si Rigo sa kakayahan ni Donaire na nanalo ng apat na beses nung 2012 at nagawaran ng Fighter of the Year award ng halos lahat ng boxing groups.
Mayabang na sinabi ni Rigo, na nanalo ng gold medal sa 2000 and 2004 Olympics para sa Cuba, na kaya din niyang talunin ang mga tinalo ni Donaire nung nakaraang taon na sila Wilfredo Vasquez Jr. Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.
Sinabi ni Rigo na kung itinapat lang sa kanya ang apat na ito ay kaya niya silang talunin lahat sa loob lang ng isang araw.
May kayabangan din naman ano?
Halos hindi na daw kasi makakita si Nishioka dahil sa pagkasingkit nito at inihambing niya naman si Arce sa isang “old lady†o matandang babae.
Puro bulok at paretiro na daw ang mga nilabanan ni Donaire nung 2012 at sa kanilang darating na laban ay makakatikim ang Pinoy boxer ng tunay na laban.
Exciting pakinggan pero ayokong paniwalaan.
Tahimik lang si Donaire matapos ang press confeÂrence ‘di gaya nitong 32-anyos na si Rigo na pumutak nang pumutak.
Tingnan na lang natin sa laban kung sino ang tunay na “old lady.â€