MANILA, Philippines - Nahigitan na ni Francisco “Django†Bustamante ang kabuuang kinita sa huÂling dalawang taon matapos lamang ang buwan ng Enero.
Ang magandang laro na ipinakita sa 2013 Derby City Classic ang nagtulak kay Bustamante para magkaroon na ng $38,000.00 premyong napanalunan para pangunahan din ang money list matapos ang unang buwan sa taong ito.
Ang halagang naibulsa ay mas mataas kumpara sa $35,025.00 at $17,300.00 na naiuwi ng Filipino pool player noong 2012 at 2011.
Kumabig si Bustamante ng $20,000.00 nang hiraÂngin bilang Master of the Table ng torneo matapos dominahin ang Banks Division, pumangalawa sa One Pocket Division at pumang-anim sa 9-Ball Division.
Halagang $10,000.00, $6,000.00 at $2,000.00 ang mga naibulsang gantimpala pa ni Bustamante sa mga nasabing torneo.
Ang kababayang si Dennis Orcollo ang nasa ikaÂlawang puwesto sa $22,000.00 habang ang Fil-Canadian na si Alex Pagulayan ang nasa ikatlo sa $21,250.00. Nalagay ang dalawa sa mga posisyong ito dahil din sa mga panalong nakuha sa Derby Classic.
Tampok na panalo ni Orcollo ay sa kategoryang Bigfoot 10-ball Challenge tungo sa $20,000.00 habang si Pagulayan ay naghari sa 9-ball Division at ibulsa ang $16,000.00 gantimpala.
Si Shane Van Boening ng USA na siyang number one sa kitaan noong 2012, ang nasa ikaapat na puwesto sa $16,350.00.