Dungca hari ng 3rd Ebdane 4x4 Challenge

MANILA, Philippines - Kaagad na nakakuha ng buwelo si Edison ‘Tonton’ Dungca ng Pampanga sa labanan para sa National Association of Filipino Offroaders (NAsFOr) Driver of the Year matapos pagha­rian ang kickoff leg, ang Third Gov. Jun Ebdane 4x4 Challenge, noong Linggo sa Iba, Zambales.

Naglista si Dungca ng total time na 37 minuto at 36:24 segundo sa tatlong mahihirap na kurso, ayon kay Eric Matibag ng Zambales Sports and Youth Development Office na nag-organisa ng event.

Pumangalawa naman si Roger Peyra ng Bicol mula sa kanyang oras na 39:08:49 kasunod si Jojo Javier ng Pampanga na nagtala ng 40:30:39 sa nasabing two-day event na nilahukan ng 23 drivers mula sa iba’t ibang offroad clubs sa bansa.

Ang nag-iisang female racer na si Maila Alivia ng Isabela ay pumang-apat sa kanyang oras na 43:56:06 kasunod si veteran Pol Herrera ng Bulacan na may 44:01:30.

Show comments