MANILA, Philippines - Nabigo ang mga mahiÂhilig sa mixed martial arts na makapanood ng mainitang labanan sa tampok na tagisan sa PXC 35 nang madaling tinalo ng nagdedepensang kampeon sa lightweight Harris Sarmiento ang bagitong challenger na si Isaiah Ordiz noong SaÂbado ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa unang salpukan ilang minuto matapos buksan ang tagisan ay agad na ipinakita ni Sarmiento ang bangis nang buhatin niya at isinalya si Ordiz.
Hindi na nakabaÂngon pa ang challenger at sumuÂko sa 4:02 sa first round matapos mapilipit ni Sarmiento ang kanyang braso.
Masidhi ang pagnanais ni Sarmiento na manalo upang makabangon matapos matalo sa mas magaan na timbang kay Mark Striegle noong nakaÂrÂaÂang Nobyembre.
Mas naging mainit pa ang tagisan nina Louis Smolka ng Hawai at Fil-Am Alvin Cacdac para malaman kung sino ang hahaÂmon kay flyweight champion Ali Cali ng Davao City.
Bumangon si Smolka buhat sa naunang pagpapasikat ni Cacdac na nagresulta sa pagkaputok ng noo sa first round nang dominahin ang ikalawa at third rounds gamit ang mahusay na ground technique.
Ang mahusay na pagkakaipit ni Smolka sa leeg ni Cacdac ang nagresulta sa pagsuko nito sa ikatlong round.