Isa na lang sa Ateneo batters

MANILA, Philippines - Lumapit ang Ateneo sa makasaysayang unang titulo sa baseball sa UAAP sa pamamagitan ng 6-2 panalo sa nagdedepensang National University sa Game One ng Finals kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.

Angat ang Eagles sa Bulldogs sa hits, 8-7, at  nakuha ang mga patama sa panahong may runners sila para makabangon mula sa 0-2 iskor matapos ang anim na innings.

Ang Game Two ay ga­gawin sa Martes at sisikapin ng Ateneo na makumpleto ang pagsungkit sa titulo na hindi nila nagawa noong  nakaraang season.

Ang Ateneo at NU rin ang nagbakbakan sa finals  at nakauna ang Eagles pero inangkin ng Bulldogs ang sumunod na dalawang laro para makuha ang titulo.

Si Miguel Salud ay nag­bigay lamang ng anim na hits at dalawang runs bukod sa limang strikeouts sa solidong pagpulong sa kabuuan ng 9-inning game habang ang pambato ng NU na si Aris Oruga ang lumabas na losing pitcher sa kanyang pitong hits at apat na runs sa 7 1/3 innings.

Luhaan ang mga pa­na­­tiko ng NU dahil ang ka­nilang softball team ay bigo sa UST, 8-5, sa ikala­wang step-ladder semis.

 

Show comments