Donaire pahihirapan ng istilo ni Rigondeaux

MANILA, Philippines - Ang istilo ni Cuban super bantamweight titlist Guillermo Rigondeaux ang magbibigay ng problema kay unified world super bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. sa ka­nilang unification fight sa Abril 13.

Sinabi kahapon ni Boris Arencibia ng Caribe Promotions, ang co-promoter ni Rigondeaux, na kakaibang boksingero ang makakatapat ni Donaire, nagtala ng apat na panalo noong nakaraang taon.

“Nonito will feel the po­wer of his punches. Ri­gondeaux is a stylist, who breaks his opponents down,” wika ni Abencinia. “And when Nonito starts to get frustrated, that’s the moment Rigondeaux will push his attack.”

Ang 30-anyos na si Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion, habang ang 32-anyos na si Rigondeuax (11-0, 8 KOs) ang may hawak ng World Boxing Association belt.

Nauna nang pinaboran ni dating Puerto Rican world two-division king Juan Manuel Lopez (32-2-0, 29 KOs) si Donaire kontra kay Rigondeaux. (RC)

Show comments