MANILA, Philippines - Hinimok ni PSC chairman Ricardo Garcia ang Pambansang atleta na ipagpatuloy ang pagsasaÂnay kahit malabo silang ipadala sa SEA Games sa Myanmar.
Ito ay dahil sa may mga malalaking torneo pang puwedeng salihan na mas pakikinabangan ng mga manlalaro at ng bansa.
Ang iba pang laro na pinaghahandaan ay ang Asian Indoor Martial Arts Games sa Incheon sa HunÂyo, ang Asian Youth GaÂmes sa Nanjing sa Agosto at ang Asian Centennial Games na gagawin sa Boracay sa Nobyembre.
“Wala silang dapat na ikatakot. May mga ibang tournaments na puwede nilang paghandaan kung hindi sila masama sa SEA Games,†wika ni Garcia.
Tinuran niya na ang perang matitipid sa ‘di pagpapadala ng malaking delegasyon ay gagamitin sa pagpondo sa ibang nakaumang na kompetisyon.
Ang paglahok dati sa mga nabanggit na torneo ng mga NSAs ay nangyayari lamang dahil ibinabawas ang perang gugugulin mula sa kanilang taunang budget sa Komisyon.
Itinutulak ng PSC ang pagpapadala ng limitang bilang ng atleta dahil tiyak na ang pagbagsak ng bansa sa standings dahil sa pagpapabor ng Myanmar sa mga larong malakas sila.
Nagsabi na ang POC na ang mga atleta na may tsansang manalo lamang ng ginto sa individual events ang kanilang ipadadala sa Myanmar.