MANILA, Philippines - Walang nakalapit sa naabot ng kabayong Hagdang Bato at ang hinete nitong si Jonathan HernanÂdez upang gawaran bilang pinakamahusay sa horse racing sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa Manila Hotel grand ballroom.
Ang Hagdang Bato ang lumabas bilang number one noong nakaraang taon nang umabot sa P13,465,977.05 ang kita nito nang hindi natalo sa 11 takbo.
Tampok na panalo ay ang pagwalis sa tatlong yugtong karera na Triple Crown bukod pa sa paghagip sa titulo ng prestihiyosong Presidential Gold Cup para maging ikalimang kabayo lamang na nagdomina sa nabanggit na karera.
Si Hernandez ay tumaÂpos lamang sa ikatlong puÂwesto sa hanay ng mga hinete sa 149 panalo sa 630 sakay. Si Jessie Guce ang nanguna sa 258 panalo sa 1211 takbo bago sumunod si Pat Dilema sa 166 panalo sa 834 takbo.
Pero ang beteranong hinete ang siyang guÂmaÂbay sa malalaking panalo ng Hagdang Bato para masama sa bibigyan ng parangal sa seremonya na tatagal ng dalawang oras at suportado rin ng ICTSI, Philippine Golf Tour, Philippine Sports Commission, Harbour Centre, Senator Chiz Escudero, Smart, LBC at Philippine Basketball Association.
“It was no-brainer (selection of Hagdang Bato and Hernandez). The board had an easy time making the choice. What the horse and the jockey did was simply amazing,†wika ni PSA president Rey Bancod ng Tempo.