Beermen asam ang panalo vs Slammers

MANILA, Philippines - Umaasa si San Miguel Beermen coach Leo Austria na natuto na ang kanyang alipores sa pagkatalo na inabot sa kamay ng Indonesia Warriors sa sariling tahanan sa pagharap sa Chang Thailand Slammers ngayong gabi sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) sa Nimbutr Stadium sa Bangkok.

Lumamang ng 13 sa huling yugto ang Beermen pero nakita pa ang sarili na natalo sa Warriors sa overtime, 96-98, upang manumbalik sa alaala ng mga local fans ang panghihiya na ginawa ng dumayong koponan sa Game Three ng finals sa noong nakaraang season.

“Lamang kami ng malaki pero natalo pa kami. Na­kakalungkot dahil nawalan ng composure ang mga players,” wika ni Austria na bumaba sa 2-2 karta para okupahan ang ikatlong puwesto.

Ang Slammers ay mayroong 2-3 baraha at papasok sa laro bitbit ang two-game winning streak upang pawiin ang masamang panimula.

Show comments