Laro bukas
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. JRU vs NLEX
4 p.m. Cagayan Valley
vs Blackwater Sports
MANILA, Philippines - Pinagbayad ng sophomore team Cagayan Valley Rising Suns ang tila pagmamaliit sa kanilang kakayahan ng Blackwater Sports matapos angkinin ang 91-76 panalo sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nag-init si James Forrester nang kanain ang 25 puntos, kasama ang 13 puntos sa ikalawang yugto at tulungan ang Suns na bumangon mula sa 22-27 tungo sa 47-41 kalamaÂngan sa halftime.
Mula rito ay hindi na pinabangon ng tropa ni coach Alvin Tan ang number two seed na Elite nang tumulong na sa opensa sina Eliud Poligrates at 6’7†Raymund Almazan.
“James played consistent today. But overall, it’s the ability of the players to accept the challenge, that is to improve on our game now that we’re in the semis,†wika ni Pua.
Si Poligrates ay mayroong 16 puntos at anim na assists habang si Almazan ay naghatid ng18 puntos at 17 rebounds.
Si Kevin Ferrer ay mayroong 14 puntos para sa tropa ni coach Leo Isaac na naunang nagpahayag ng kumpiyansa na tatalunin ang Cagayan Valley matapos ang 93-70 panalo sa eliminasyon.
Lumabas naman ang bangis ng opensa ng nagdedepensang kampeon na NLEX Road Warriors tungo sa madaling 105-85 panalo sa Jose Rizal University sa ikalawang laro.
May 17 puntos si Nico Salva para pangunahan ang anim na Road Warriors na gumawa ng hindi bababa sa 10 puntos upang lumapit sa isang panalo tungo sa ikaapat na sunod na pagtapak sa Finals.
“Hindi naapektuhan ang team sa mahabang layÂoff dahil gusto nilang manalo,†wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Kailangan na lamang ng Road Warriors na kampeon sa naunang tatlong conferences, at Cagayan Valley na manalo bukas upang itakda ang pagtutuos sa korona.