MANILA, Philippines - Sinandalan ng Indonesia Warriors ang mga free throws ng mga guards na sina Jerick Canada at Mario Wuysang sa overtime para itakas ang 98-96 tagumpay sa San Miguel Beermen sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang panalo ay ikaapat na sunod ng nagdedepensang kampeon matapos ang 0-2 start at pambawi sa tinamong 54-63 pagkatalo sa unang pagkikita na ginawa sa Indonesia.
Nakita ang masidÂhing hangarin ng bisitang koponan na talunin ang Beermen nang bumangon sila mula as 55-68 pagkakalubog at nahawakan ang 80-78 kalamangan sa free throws ni Jerick Canada.
Pero gumanti si Gabe Freeman ng dalawang buslo sa foul ni Chris Daniels para magtabla sa 80-all at magkaroon ng extension.
Huling tikim ng kalama-ngan ng home team ay sa 91-89 sa buslo ni Brian Williams bago nagpakawala ng tres si Wuysang tungo sa 92-91 bentahe.
Nagkaroon pa ng daÂlawang tabla sa laro at ang huli ay sa 93-all bago kumawala ng tatlong free throws si Canada na nasundan ng dalawa kay Wuysang tungo sa limang puntos na kalamangan ng Warriors sa huling pitong Segundo ng laro.
Si Wuysang ay mayroong 20 puntos habang 18 ang ginawa ni Canada para sa Warriors na may limang manlalaro na umiskor ng doble-pigura.
May 33 puntos at 15 rebounds si Freeman para sa Beermen na hindi pa rin naibabaon sa limot ang pagkatalo sa Warriors sa Game Three ng finals na nilaro rin sa nasabing venue.