MANILA, Philippines - Matutuwa ang mga maÂhihilig sa laro sa United Football League (UFL) daÂhil dalawang beses sa isang linggo na silang magsasaere ng mga laro ng live sa telebisyon.
Ayon kay Sports5 maÂnager Vitto Lazatin, natuwa ang network sa magandang pagtangkilik ng mga mahihilig sa football sa nagdaang season ng UFL kaya’t nagdesisyon ang pamunuan na gawing dalawang beses kada linggo ang live telecast na itinakda tuwing Martes at Huwebes.
“We are thrilled to feature the UFL twice a week on primetime as fans claÂmored for more live football action on AKTV. UFL is gaiÂning more fans and vieÂwers, as more Filipinos are beginning to embrace the appreciate the drama that is football,†wika ni Lazatin.
Mahalaga ang telebisÂyon ngayong season dahil lumayo na ang pinagdarausan ng laro ng liga.
Mula sa dating Rizal Memorial Football Stadium gagawin ang mga laro sa bagong gawang McKinley Hill Football Field sa TaÂguig.
Sampung koponan ang maglalaban-laban sa Division I sa pangunguna ng nagdedepensang Global FC. Pinapaboran uli ang Global FC na makapagdomina sa liga dahil nasa koponan pa rin ang mga national players Carli de Murga, Dennis Wolf, Demetrius Omproy at Misagh Bahadoran at hahawakan ng bagong mentor na si Brian Reid mula Scotland.