5 boxers ng ABAP susuntok sa finals sa KL slugfest

MANILA, Philippines - Tunay na may kahihi­natnan ang boxing sa bansa matapos ang pagpasok sa finals ng limang kasapi ng developmental team ng ABAP sa Kuala Lumpur City Day Boxing Tournament  Malaysia.

Si 2011 World Junior champion Eumir Marcial ang nanguna sa mga bok­singero at nanalo sa mga Malaysian boxers na sina Nasurudin sa second round at kay Effendi Kalai sa semifinals.

Tulog si Kalai nang ta­maan ng matinding kanan ni Marcial.

Si Jade Bornea na na­nalo ng bronze medal sa World Youth Championships noong Nobyembre sa Armenia ay umani ng first round KO panalo kay Syarul Effendi Abd Aziz sa semis habang ang baguhang si Roldan Boncales na tubong Gensan ay nanalo sa 10-4 desisyon kay Mohd Hassan Zahari.

Si Jonas Bacho ng Mandaluyong City ay umani ng RSC panalo kay Mohamed Solihin Nordin ng Singapore para mamuro sa ginto at makabawi sa ‘di magandang inilaro sa Armenia habang si Nico Magliquian ay may RSC panalo kay Malaysian Air Forces’ Mohd Ismahafizi Abd Rahim.

Ang mananalo ay mag­uuwi din ng $1,000 ayon sa organizers.

Show comments