LOS ANGELES--KuÂmaÂmada si Dwight HoÂward ng 24 puntos, nagdagdag naman si Kobe Bryant ng 14 puntos at 11 assists upang igiya ang Lakers sa unang tatlong sunod na panalo matapos ang limang linggo, sa pagtakas ng 111-106 panalo laban sa New Orleans noong Martes.
Tumapos si Earl Clark ng 20 puntos at 12 rebounds para sa Lakers, kung saan ang itinayong 18-point lead may 51/2 minuto ang nalalabi ay unti-unting kumulapso sa isang puntos na lang, 102-101 may 2 minuto pa sa tikada.
Pero hindi nagpabaya sina Clark at Steve Nash na agad na bumira ng basket para ipreserba ang ikasiyam na panalo ng Lakers laban sa Hornets.
Binanderahan ni Eric Gordon ang Hornets sa kanyang inilistang 25 puntos.
Sa Cleveland, Ohio, nagposte si Klay Thompson ng career-high 32 puntos, kabilang ang personal best na anim na triples nang banderahan ang GolÂden State Warriors sa 108-95 pananaig kontra host team.
Umasinta si Thompson ng 13-of-234 mula sa field, tampok ang 6-of-8 performance mula sa rainbow area kung saan nakuha ng Warriors ang kanilang ikalimang panalo matapos ang pitong laro sa kabila ng pagkawala ni Stephen Curry na may injury sa bukung bukong.
Sa isa pang laro, tinalo ng Portland Trail Blazers ang Dallas Mavericks, 106-104.