Blackwater Sports pasok sa semis

MANILA, Philippines - Hindi nakasabay sa biglang ratsada ng Blackwater Sports ang Cagayan Valley Rising Suns para angkinin ng Elite ang ikalawa at huling outright semifinals seat sa PBA D-League Aspirants’ Cup mula sa 93-70 panalo kahapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Sina Ian Mazo, Robbie Celiz at Allan Mangahas ang nagtulung-tulong mula sa 41-41 pagkakatabla para lumayo ang Elite sa 60-44 gamit ang 15-5 bomba.

Sinamahan ng Blackwater ang pahingang NLEX Road Warriors sa Final Four.

Sina Jeric Fortuna at Jeric Ferrer ay may tig-13 puntos pero malaking tulong ang suporta ng iba nilang kakampi para sa panalo ng Elite.

Gumawa naman ng 20 puntos sa first half si June Dizon para sa 112-94 panalo ng Cebuana Lhuillier sa Informatics sa unang laro.

Show comments