Laro Ngayon
9 a.m. Victoria vs NL
10 a.m. WV vs CV
11 a.m. Mindanao
vs NCR-South
12 n.n. NCR-West vs SL
MANILA, Philippines - Isinulong ng WesÂtern Visayas ang pagpapaÂnalo sa tatlong sunod nang kalusin ang Eastern Visayas, 25-6, 25-11,sa pagpapatuloy kahapon ng Shakeys Girls Volleyball Tournament-of-Champions sa Ninoy Aquino Stadium.
May tatlong aces at apat na hits si Roma Joy Doromal, apat na hits at isang block ang hatid ni Sarah Jean Gonzaga habang tatlong spikes ang ginawa ni Princess Robles para sa nanalong koponan.
Bago ito, kuminang ang WV na kinatawan ng Central Philippine University, sa Pool B laban sa Northern Luzon, 25-10, 25-5, at sa bisitang Victorias ng Australia, 25-16, 22-25, 25-20, noong Lunes at Martes.
“Mahalaga ang laro namin sa Victorias kaya sinabi ko sa kanila na kung tatalunin namin sila, papasok kami sa semis,†wika ni Western Visayas coach Jeffrey Alcarde.
Ang kabiguan ng Aussie team ay kanilang ikalawang sunod para malagay sa peligro na mapatalsik agad sa koponang suporÂtado ng Shakeys at inorgaÂnisa ng Metro Sports.
Magtatapos ang elimination round ngayon at puÂpuntiryahin ng WV ang sweep laban sa Central ViÂsayas.
Ang Southern Luzon na binubuo ng manlalaro ng La Salle-Lipa, Imus Institute at University of Perpetual Help-Laguna ang lider sa Pool A sa 3-0 nang kalusin ang Mindanao, 25-13, 25-19, at NCR-South, 13-25, 25-18, 25-22, sa kanilang dalawang laro noong Martes.
Bunga ng panalo ng Western Visayas at S Luzon, inupuan na nila ang 1-2 position sa semis.