PLDT-ABAP NCR boxingfest ngayon na

MANILA, Philippines - May kumpiyansa ang pamunuan ng Amateur Boxing Association of the Philippines na makakatuklas uli ang asosasyon ng mga mahuhusay na batang boksingero sa PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament na magbubukas ngayon sa Capitol Grounds ng Iba, Zambales.

“We’re picking up from where we left off,” wika ni ABAP president Ricky Vargas.

Ang pinakamalaking local tournament taun-taon ng ABAP ay kinakitaan ng pagkakadiskubre kina Mark Anthony Barriga, Eumir Felix Marcial at Jade Bornea. Si Barriga ang kinatawan ng Pilipinas sa London Olympics, si Marcial ay naging World Junior champion habang si Bornea ay nanalo ng bronze sa World Youth Championship.

Inaasahang nasa 200 boksingero ang sasali sa torneong ito upang malaman kung sino ang magi­ging kinatawan ng NCR-Luzon sa National Championships mula Pebrero 17 hanggang 23 sa Maasin, Southern Leyte.

Pinasalamatan naman ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. ang ABAP sa pagbibigay sa pro­binsya ng pagkakataon na maipakita ang kakayahan na makapagdaos ng boxing event.

 

Show comments