Star pipitasin ang MBL title vs PRC

Laro Ngayon

(San Andres Sports Complex)

7 p.m.  Star Group vs. PRC Couriers

 

 

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng defending champion Star Group of Publications ang back-to-back title sa pakikipagbangga sa PRC Couriers sa MBL Corporate Cup 2 basketball championship na idaraos sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila ngayong gabi.

Nakatakda ang laro sa alas-7 ng gabi kung saan kailangan lamang ng Starmen ng isang panalo upang makopo ang kanilang ikalawang sunod na  MBL title.

Sa paggabay ni coach Alfred Bartolome kinumpleto ng Star Group ang eight-game sweep sa eliminations upang makopo ang twice-to-beat incentive sa finals.

Nakapasok ang PRC sa finals matapos magtala ng  5-3 panalo-talo.

Tinalo ng Starmen ang PRC ng dalawang beses sa elims, kabilang ang 75-72 panalo noong Nov.  8 at  101-93 tagumpay noong Dec. 3.

Inaasahang mangunguna sa kampan­yang maipagtanggol ang titulo ay sina ve­teran Niño Marquez, Jhong Bondoc, Chris Corbin, Ver Roque, Dennis Rodriguez, Gio Coquilla, Niño Sanggalang, Mario Geocada at Randell Reducto.

 

Show comments