DALLAS - Hindi pinansin ni Kevin Durant ang three-point shot ni O.J. Mayo na nagtabla sa laro sa regulation period.
Binigyan lamang nito ng tsansa ang Oklahoma City star na magtala ng isang career high at ng una niyang 50-point game sa NBA ngayong season.
Umiskor si Durant ng 52 points, kasama ang isang go-ahead basket sa huling 16.9 segundo sa overtime, para tulungan ang Thunder sa 117-114 panalo kontra sa Dallas Mavericks.
Ito ang pang anim na sunod na panalo ng Oklahoma at pinigilan ang four-game winning streak ng Dallas.
Isang gabi matapos maiboto sa All-Star game, nagtala si Durant ng 13 of 31 fieldgoal shooting, ngunit may 21 of 21 clip sa foul line, samantalang kumolekta ang Thunder ng perpekÂtong 12-of-12 freethrows sa fourth quarter.
Ang tres ni Mayo ang nagtabla sa Mavericks sa natitirang 2.3 segundo patungo sa overtime period.
Umiskor naman si VinÂce Carter, inilapit ang MaveÂricks sa Thunder sa first half, ng season-high 29 points.
Tatlong free throws ang kanyang isinalpak sa pagsisimula ng overtime kasunod ang dalawang charities ni Durant.
Tumipa si Durant ng 9 sa 12 points ng Oklahoma City sa overtime kasama ang tatlong go-ahead buÂckets para igiya ang Thunder, nagposte ng isang 14-point lead sa second half, sa panalo.