MELBOURNE, Australia--Bagama’t may right ankle injury, pumasok pa rin si Serena Williams sa third round ng Australian Open.
Umiskor si Williams, may 15 major titles, ng isang 6-2, 6-0 panalo kontra kay No. 112-ranked Garbine Muguruza kasama dito ang isang ace na naorasan sa bilis na 128.7 mph.
“I’m on the up and up, I feel. It can only get better from here,†wika ni Williams.
Isang medical timeout din ang hiniling ni Williams sa kanyang panalo sa first round para gamutin ang kanyang right ankle injury noong Martes.
Plano ni Williams na maglaro sa doubles kasama ang kanyang kapatid na si Venus kasunod ang kanyang pakikipagharap kay Japanese Ayumi Morita sa Sabado.
Tinalo naman ni defending champion Victoria Azarenka si Eleni Daniilidou 6-1, 6-0, sa loob ng 55 minuto.
“I felt like I’m back into the competitive mode,†sabi naman ni Azarenka. “I was really focused - that was for sure the best part of the game for me.â€