MANILA, Philippines - Nakuha rin ni Harvey Sicam ang hinangad na lap victory sa kanyang career sa pagbibisikleta nang dominahin ang 134.2-km Stage Four sa karera kahapon na nagsimula at nagtapos sa Cebu City.
Pamangkin ng nasirang two-time Marlboro Tour champion na si Jacinto, isinantabi ng 26-anyos na tubong San Manuel, Pangasinan ang hamon ng beteranong si Warren Davadilla nang kunin ang pinaglabanang karera sa oras na 3:45.02 segundo.
“Lagi akong nagpupunta sa kanyang puntod (Jacinto) para humingi ng gabay. Sana ay napaligaya ko siya,†wika ni Sicam na tumanggap ng P50,000.00 premyo sa kanyang natatanging lap win.
Naubos ang CebuaÂnong si Davadilla ng Y101 FM-Cebu para tumapos lamang sa ikaapat na puwesto sa 3:45:09 at napag-iwanan siya nina Ryan TuÂgawin ng Team Enrile at Rey Martin ng VMobile-Smart na may magkatulad na 3:45:04 tiyempo.
Ang overall leader na si Santy Barnachea ng Navy-Standard ay tumapos sa ikawalong puwesto (3:45:31) para manatiling nasa unahan papasok sa Stage 5 na isang 156.8-km karera mula Lapu Lapu City Hall hanggang sa Mountain View Natures Park sa Barangay Busay, Cebu.
May kabuuang oras si Barnachea na 13:39:50 at abante pa ng 2:25 minuto kay Tomas Martinez ng Team Tarlac (13:42:15).
Kung may pagbabago sa puwestuhan ay malalaman matapos ang stage na katatampukan ng maÂtitinding ahunan upang ilagay ang leg bilang ikalaÂwang pinakamahirap sa 16-stage, 21-day na karera.
Ang koponan ni Barnachea ay angat pa rin sa overall team event sa 41:03:21.