MANILA, Philippines - Dalawang malaking torneo ang isasagawa ng AmaÂteur Boxing AssociaÂtion of the Philippines (ABAP) ngayong taon, kaÂÂsama na dito ang natioÂnal championship, patuÂngo sa pamamahala sa Asian Youth tournament sa March sa Subic Bay Freeport Zone gym.
Ang Capitol Grounds sa Iba, Zambales, sa pakikipagtulungan sa provincial government sa pamumuno ni Gov. Hermogenes EbdaÂne Jr., ang magiging veÂnue ng PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament sa Enero 22-26.
Kabuuang 70 mula sa 80 boxers galing sa 15 boxing clubs at asosasyon ang inaasahang makikiÂpag-agawan ng tiket para sa PLDT-ABAP National Championships sa Pebrero.
Ang national championÂships ay gagawin sa Maasin, Southern Leyte sa Pebrero 17-23 kung saan pipili ang ABAP ng mga boksingerong ibibilang sa national team.
Ang mga best perforÂmers ng iba pang regional tournaments na idinaos sa Bago City (Visayas) at General Santos City (MinÂdanao) ang makikipagsabayan sa mga qualifiers mula sa Zambales tourney.
Ang Asian Youth BoÂxing Championship na idaraos sa Marso 10-17 sa Subic Bay ay may mga lahok buhat sa 20 top 25 countries.