Katatagan ng mga binti ni Roque masusubukan ngayon sa Stage 4

LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines -- Mulimg masusu­bukan ang husay ni LPGMA-American Vinyl phenom Rudy Roque sa pagdaan ng LBC Ronda Pilipinas 2013 sa bundok ng Queen City of the South.

Ang 21-anyos na si Roque ang naghari sa Stage Three sa Pagadian-Iligan.

Sumegunda si Roque, nanguna sa Ormoc-Tacloban stage, sa Metro Manila criterium sa 2012 LBC Ronda Pilipinas edition.

Sasabak si Roque sa 134.2km Stage Four na mayroong apat na ca-tegory 4 climbs at isang category 3 ascent, habang ang karera sa Biyer­nes ang magtatampok sa 156.8km Stage Five na magsisimula sa Lapu Lapu City Hall at magtatapos sa Mountain View Natures Park sa Brgy. Busay, Cebu.

Si Santy Barnachea ng Navy-Standard Insurance ang kasalukuyang overall leader sa kanyang aggre­gate time na 9 oras, 54 minuto at 19 segundo na lamang ng 2 minuto kay Team Tarlac bet Tomas Martinez (9:56.20) kasunod si Roque (9:57.19).

Tinalo din ni Roque ang kanyang mga kakamping sina Irishn Valenzuela at Cris Joven, pumuwesto sa pang lima at pang siyam na puwesto mula sa kanilang mga tiyempong 9:57.20 at 9:57.54, ayon sa pagkakasunod.

Humanga naman si LPGMA-American Vinyl coach Renato Dolosa kay Roque.

“The kid (Roque) is tough, determined and very hardworking, I can’t say anything elses about him,”  wika ni Dolosa, isang two-time Tour champion.

 

Show comments