Gilas umiskor sa Dubai

MANILA, Philippines - May tatlong imports at ilang miyembro ng national team sa pangunguna ni Ro­­ny Fahed ang Lebanese club team na Mouttahed Tri­­poli.

Ngunit hindi ito naging dahilan para matakot ang Smart Gilas-Pilipinas. 

Umiskor si naturalized player Marcus Douthit ng 20 points, habang nag-ambag si Ronjay Buenafe ng 10 points na kanyang ginawa sa first half upang banderahan ang 79-77 panalo ng Smart Gilas kontra sa Mout­ta­hed Tripoli sa pagsisimula ng 24th Dubai International Basketball Tournament kahapon sa Al Ahli gym.

Nagdagdag si Garvo La­nete ng 15 markers kasunod ang 9 ni Kevin Alas.

“Beat Mottaheed of Le­banon w 3 US imports & 3 natl team players after being down by 15 in d 1st,” sabi ni Na­tional head coach Chot Re­yes sa kanyang Twitter account na @coachot.

Inangkin ng Nationals ang halftime, 41-40, at naki­pagsabayan sa Mouttahed sa second half.

Susunod na haharapin ng Smart Gilas ang Al Ahli.

Isasara ng Smart Gilas ang kanilang kampanya sa preliminary round ng Group B kontra sa Sporting Amarex of Jordan.

 

Show comments