Tenpin bowling ng Rotary International

MANILA, Philippines - Isang bowling tournament na inorganisa ng Rotary In­ternational District 3780 ang gagawin tuwing Linggo mu­la Enero 13 hanggang Marso 3 sa Sta. Lucia Center sa Cainta, Rizal.

Si Valentin ‘Jun’ Asuncion ang mauupo bilang district sports chairman at ang palaro ay tatawaging  Hands-On Ten­pin Bowling Tournament.

Magsisimula ang bakbakan mula alas-9 ng umaga at ang nagdedepensang kampeon sa Governor’s Cup ay ang Rotary Club of Ayala Heights.

Si Gov. Rufino ‘Penn’ Policarpio ang district governor, si Mark Reyes ang pangulo at si Gerardo ‘Gerry’ Ramiro ang bowling committee chairman.

Ang Rotary Club of Biak Na Bato sa pangunguna ni Ed Corpuz ang host ng palaro.

Ang iba pang Rotarians na tumutulong ay sina Rudy Ba­rot, Non Sariba, Jolan Salino, Ding Deloria, Dino Labro, Nes Tecson at vice president Ramon Fabon.

Show comments