MANILA, Philippines - May tiwala si Big Chill coach Robert Sison na alam ng kanyang mga aliÂÂpores ang kahalagahan ng nalalabing tatlong laro sa kanilang paghahabol paÂra sa ikalawa at huling awÂtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup.
“Maliban sa NLEX, ang ibang teams ay dikit-dikit sa standings kaya’t ang bawat maÂkukuhang panalo ay maÂgiging mahalaga mula ngaÂyon,†wika ni Sison.
Tatangkain ng Super Chargers (5-2) na manatili ang kapit sa ikalawang puÂwesto sa standings sa pagÂharap sa Cagayan RiÂsing Sun (4-3) sa unang laro ngayong alas-2 ng haÂpon sa Arellano Gym sa LeÂgarda, Manila.
Kasalo ng Super CharÂgers sa mahalagang puÂwesto ang pahingang Black Water Sports (5-2).
Galing ang koponan mula sa 88-68 panalo laban sa Erase Xfoliant (2-5) sa larong nakitaan ang Big Chill ng matibay na depensa tungo sa kumbinsidong panalo.
Sa kabilang banda, ang RiÂsing Suns ay maghahaÂngad na tapusin ang dalawang sunod na pagkatalo upang malaglag sila mula sa tuktok ng standings tuÂngo sa pagsalo sa ikaapat at limang puwesto kasama ang Fruitas Shakers (4-3).
Kailangan ng tropa ni coach Alvin Pua na talunin ang Big Chill para makadikit sÂila ng kalahating laro sa maÂgiging solo second na Elite.
Mag-uunahan naman ang Boracay Rum (2-5) at Erase Xfoliant na makuha ang ikatlong panalo sa pagÂkikita ng dalawang koÂponang na posibleng maalis agad sa torneo.
Ang pride na lamang ang paglalabanan ng daÂlaÂÂwang koponan dahil kaÂÂhit waÂlisin pa ang lahat ng naÂtitirang tatlong laro ang tsanÂsa na makaiwas sa maÂagang bakasyon ay naÂÂkadepende sa laro ng mga koÂponan.