MANILA, Philippines - Masamang panimula ang inabot ng nagdedepensang Perpetual Help sa NCAA women’s volleyball kaÂhapon nang lasapin ang 28-30, 25-19, 15-25, 25-27, pagÂkatalo sa Emilio Aguinaldo College sa The Arena sa San Juan City.
Namuro ang Lady Altas na maihirit ang deciding game five nang magtabla sa 24-24 ang dalawa sa fourth set pero nagtala ng error ang Perpetual na nasundan ng service ace mula kay Arnie Yumul para sa panalo ng EAC.
Si Yumul ay may 11 hits, kinatampukan ng dalawang blocks at dalawang service aces, para pangunahan ang apat na manlalaro ng Lady Generals na may doble figures.