Hosting ng Davis Cup ibinigay sa Pinas

MANILA, Philippines - Napasakamay ng Pilipi­nas ang pamamahala sa Da­vis Cup Asia/Oceania Group II tie.

Ito ay matapos magde­sis­yon ang International Ten­nis Fe­deration na ibigay sa bansa ang panga­ngasiwa ng tor­neo dahil sa ten­syon sa Syria.

Sasagupain ng Philippine Davis Cup team ang Sy­rian squad sa Pebrero 1-13 sa  Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu Lapu Ci­ty, Cebu.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na idaraos sa La­pu Lapu City ang event makaraang walisin ng mga Filipino netters ang koponan ng Pacific Oceania sa first round ng Group II tie noong 2012.

Sa nasabing panalo kon­tra sa Pacific Oceania, di­no­mina nina Treat Huey, Ruben Gonzales, Johnny Arcilla, at Jeson Patrombon ang kani-kanilang mga karibal.

Ngunit natalo naman ang Phl Team sa Indonesia sa fi­nal round.

Show comments