NU wagi sa UP sa UAAP baseball

MANILA, Philippines - Umiskor ang pamalit na si Marcial Gante sa bot­tom seventh para ibigay sa nagdedepensang Na­tional Uni­versity ang 3-2 panalo laban sa UP sa pagbubukas ng UAAP baseball noong Linggo sa Ri­zal Memorial Baseball Stadium.

Naunang  umiskor ang Maroons ng dalawang runs sa top of the fourth inning pero bumawi ang Bulldogs na umiskor ng tig-isang run sa bottom fourth, sixth at se­venth para masama sa mga koponan na humablot ng 1-0 karta.

Ang MVP noong naka­raang taon na si pitcher Aris Oru­ga ang siyang si­nandalan ng NU sa huling 3 2/3 innings nang bigyan la­mang ang UP ng isang hit at bumato ng da­lawang strikeouts.

Maagang nagpasiklab din ang Ateneo nang ka­ni­lang du­rugin ang Adam­son, 13-3, sa labang tu­magal lamang ng limang in­nings, habang ang UST ay nanalo sa La Salle, 9-4, sa huling laro.

Sa ikalawang innings kumawala ang Blue Eagles ng anim na runs, mula sa dalawang hits at dalawang errors ng Falcons.

Sina Kevin Ramos at Gab­riel Bagamasbad ay may tig-isang RBIs at dalawang runs ang naipasok ni Pel­los Remollo.

 

Show comments