MANILA, Philippines - Sa gitna ng kontrobersyal ukol sa pahayag ng isang Filipino neurologist na may sintomas si Manny Pacquiao ng Parkinson’s disease, umaasa si World Boxing Council president Jose Sulaiman na nasa magandang kalagayan si ‘Pacman’.
Ito ang sinabi kahapon ni Sulaiman sa panayam ng BoxingScene.com.
“I pray that Pacquiao has no health problems, because he’s been the biggest star of the past decade and the world boxing owes so much to the Filipino,†ani Sulaiman. “The World Boxing Council awarded him as “The Best of the Decade.â€
Sa isang panayam sa kanya ng radio station na DZMM kamakailan, sinabi ni Dr. Rustico Jimenez, ang preÂÂsidente ng Private Hospitals Association of the PhiÂlipÂpines, na may nakikita siyang sintomas ng ParÂkinson’s diÂsease kay Pacquiao.
Ayon naman kay Michael Koncz, ang Canadian adÂviser ni Pacquiao, walang basehan si Jimenez para saÂbihin ito.
“Tell me how can one make such allegations based on mere speculation as I am not aware that this alleged docÂtor ever examined Manny yet he makes such a diagÂnosis,†ani Koncz.
Noong nakaraang taon, dalawang beses natalo ang FiÂlipino world eight-division.
Ang mga ito ay kina Timothy Bradley, Jr. via split deÂcision noong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez mula sa isang sixth-round KO loss noong Disyembre 8.
Para sa taong ito, dalawang laban ang gustong gawin ni Pacquiao.
Ngunit ayon kay Fred Sternburg, ang spokesman paÂra sa Top Rank Promotions, dadalhin muna ni Bob Arum si Pacquiao sa Lou Ruvo Center sa Las Vegas Cleveland Clinic, ang espesyalista sa brain health, kasama rito ang Alzheimer’s, Parkinson’s at Lou Gehrig’s diseases, bago itakda ang kanyang mga laban ngayong 2013.
Plano ng Top Rank na plantsahin ang pang limang banggaan nina Pacquiao at ng 39-anyos na si Marquez kaÂsabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng MeÂxico sa Setyembre.