LOS ANGELES--Kumolekta si Jrue Holiday ng 26 points at 10 assists, habang nagtala si Evan Turner ng 22 points at 13 rebounds para pagbidahan ang Philadelphia 76ers sa 103-99 panalo kontra sa Los Angeles Lakers noong Martes ng gabi.
Ang 15-16 record ng Lakers ang pumantay sa kanilang worst start matapos noong 2002-03 season.
Binanderahan ni Kobe Bryant, mula sa pagiging isang shooting guard ay inilipat sa small forward ni coach Mike D’Antoni sa kanilang huling limang laro, ang Lakers mula sa kanyang 36 points.
Nag-ambag naman si Steve Nash ng 12 points at 10 assists.
Naglista ang Lakers, nagtabla sa kanilang franchise record ng 10 3-pointers sa first half ng kanilang 111-98 panalo sa Philadelphia noong Disyembre 16, ng malamyang 1-for-11 sa 3-point range.
Nagbigay si Pau Gasol ng 11 points at 9 rebounds, ngunit nagposte ng 2-for-12 dahil na rin sa masakit niyang paa, samantalang tumapos naman si Dwight Howard na may 1-for-7 para sa kanyang 7 points at 14 boards.
Nakalapit ang Lakers sa 97-99 galing sa tres ni Bryant sa 1:28 sa forth quarter kasunod ang isang 21-footer ni Spencer Hawes at isang driving dunk ni Holiday para selyuhan ang panalo ng 76ers.
Nauna dito, itinala ng Philadelphia ang 89-79 abante mula sa 54-50 halftime lead.
Nakalapit naman ang Lakers sa 90-94 agwat buhat sa jumper ni Metta World Peace.