Higitan ang tinapos sa 2012 Suzuki Cup ang pagtutuunan ng Azkals ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang kanilang ikalawang sunod na semifinal finish sa AFF Suzuki Cup, ang magiging hamon para sa Azkals ngayong 2013 ay ang malampasan ang kanilang mga nakamit, ayon kay Philippine Football Federation president Nonong Araneta.

“Prior to the Suzuki Cup the pressure was to qua­lify for the Suzuki Cup semifinals once more. By qua­lifying again, I think they have shown that our semifinals stint in the 2010 Suzuki Cup was not a fluke. Right now with the set of players we have, the question for us is:’ can we go further?’” sabi ni Araneta.

Dinuplika ng Azkals ang kanilang Last-4 appea­rance at halos maabot ang isang finals berth kundi lamang sa kanilang 0-1 kabiguan sa semis sa nagkampeong Singapore Lions.

“How can we go further? That should be our challenge after 2012,” wika ni Araneta.

Muling magiging abala ang Azkals ngayong 2013.

Sa Marso, lalahok ang Azkals sa AFC Challenge Cup qualifiers na idaraos sa Rizal Memorial Football Stadium.

Makakasama ng mga Pinoy booters ang Turkmenistan, Brunei at Cambodia sa Group E sa layu­ning makasikwat ng tiket patungo sa finals stages ng Challenge Cup sa 2014 sa Maldives.

Plano rin ng PFF chief na iorganisa ang Independence Cup sa Hunyo.

 

Show comments