Donaire madidisgrasya kung iismolin ang Cuban boxer

MANILA, Philippines -  Madidisgrasya si Nonito Doniare Jr. kung patuloy ni­yang iisipin na mada­ling kalaban ang two-time Olympic gold medalist at ngayon ay kampeon sa WBA super bantamweight division na si Guillermo Rigondeaux ng Cuba.

Ito ang inihayag ng ma­nager nitong si Gary Hyde nang nakapanayam ng El Nuevo Herald.

“Donaire can’t be se­rious in saying that Rigo will be easy for him,” wika ni Hyde.

Naihayag ni Donaire na ayaw niyang labanan si Rigondeaux pero kung ito ay mangyayari, magiging madaling laban ito dahil counter-puncher ang istilo nito at isang kaliwete.

Hindi ito mangyayari ani ni Hyde dahil napag-aralan na ni Rigondeaux ang istilo at kahinaan ni Donaire.

Parehong alaga ng Top Rank ang dalawang boksingero at kung mangya­yari ito, ang laban ay isang unification fight dahil si Do­naire ay kampeon ng WBO at Ring habang sa WBA naman hari ang 32- an­yos na gold medalist sa bantamweight sa 2000 Sydney at 2004 Athens Olympics.

“I’m so confident hat Rigo will defeat Donaire. Rigo is very willing to con­­front him, he knows his weaknesses. Rico is the biggest nightmare of Donaire,” pagmamalaki pa nito.

Sa bandang Hunyo umano mangyayari ang sukatan ng dalawang mahuhusay na boksingero dahil ito ang binanggit kay Hyde ni Bob Arum.

May 11-0 kasama ang 8KOs si Rigondeaux at kahit kakaunti pa lamang ang kanyang professional fights, bihasa siya sa laban sa amateur at dalawang be­ses ding nanalo ng ginto sa World Amateurs at World Cup.

May 31-1 at 20 KOs si Donaire na sariwa naman sa paghirit ng 3rd round KO laban kay Jorge Arce ng Mexico noong nakaraang Linggo.

Bukod kay Rigondeaux, nais din sukatin ni Donaire ang WBC champion Abner Mares kung mabibigyan ng oportunidad sa 2013.

 

Show comments