Magsanoc nilayasan ang Red Lions

MANILA, Philippines - Nagbitiw na si Ronnie Magsanoc bilang head coach ng Red Lions ilang buwan matapos igiya ang San Beda sa kanilang pang 17 NCAA crown.

Si PBA asssistant coach at D-League mentor Boyet Fer­nandez ang sinasabing papalit kay Magsanoc.

“Sort of said it yesterday (Saturday) at Christmas par­ty,” wika ng isang team insider sa naturang pagbibitiw ni Mag­sanoc sa okasyon na dinaluhan ni telecommunication magnate at top patron Manny V. Pangilinan.

Sinubukan umano ni Pangilinan na kumbinsihin si Mag­sanoc na manatili.

Ngunit sinabi ni Magsanoc na gusto niyang tutukan ang kanyang trabaho bilang assistant coach sa Meralco Bolts sa PBA.

Si Magsanoc ang pumalit kay Frankie Lim sa pagsi­simula ng 2012.

Ang San Beda ang magiging pang apat na NCAA team na magkakaroon ng bagong coach matapos mag­bi­tiw sina Louie Alas  (Letran), Chito Victolero (Mapua) at Ri­chard del Rosario (St.Benilde).

 

Show comments