30th MMBL FA rumesbak sa UNO HS

MANILA, Philippines - Dinurog ng Faith Aca­de­my ang UNO High School sa 30th Metro Manila Basketball League noong Linggo sa San Beda College Gym

Si Nick Dalafu ang na­ngu­na sa malakas na pag-atake ng FA para hawakan ang 22-9 kalamangan sa unang yugto.

Itinuloy ni TJ Hardeman ang malakas na panimula nang maghatid ng 15 sa kabuuang 17 puntos sa ikalawang yugto para tiya­kin ang pagbangon ng FA mula sa pagkatalo sa National University sa huling laro.

Binawi naman ng wo­men’s team ng UNO ang pagkatalo ng men’s team sa 48-34 panalo sa FA sa girls division.

Naipagpatuloy naman ng nagdedepensang San Beda ang kanilang winning streak sa pamamagitan ng 99-65 tambak na panalo sa Chiang Kai Shek College.

May 16 at 14 puntos si Rev Diputado at Arvin To­lentino para pamunuan ang Red Lions.

Ang MMBL ay nagsisilbing NCR qualifier para sa Seaoil-NBTC Junior Na­tional Championships.

Show comments