MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao na isipin kung ano ang nais niyang gawin upang hindi na lasapin ang masamang pagkatalo na nangyari noong Linggo sa kamay ni Juan Manuel Marquez.
“In the sport of boxing, you have to really dedicate yourself to your craft. You have to real, really dedicate yourself to your craft. I think he’s got so many different things on the outside that he worries about,” wika ni Mayweather.
Isang sixth round knockout na pagkatalo ang tinamo ng liyamado sa laban na si Pacquiao nang salubugin ang malakas na kanang counter-punch ni Marquez.
Ito ang ikalimang pagkatalo ng Pambansang kamao sa kanyang boxing career ngunit pinakamasama dahil una ang kanyang mukha na tumama sa lona.
Isinisisi ng iba ang pagkatalong ito ni Pacquiao dahil sa kakulangan ng focus dahil bukod sa pagiging isang boksingero, siya rin ay isang Kongresista at aktibo ring sa inanibang relihiyon.
“Pacquiao’s focus should be trying to take a vacation, get his mind right and get a few tune-up fights. I’m not here to talk bad about Pacquiao. I feel bad for him honestly,” dagdag ng walang talong boksingero.