PHOENIX--Ginarantiyahan ang mga fans ng magandang laro o ibabalik ang kanilang mga bayad sa laban ng Phoenix Suns at Dallas Mavericks.
Ang hindi lamang natiyak ay ang panalo ng Suns.
Isang fall-away 21-foo-ter ni O.J. Mayo ang bumandera sa 97-94 panalo ng Mavericks para ipalasap sa Suns ang pang limang sunod nitong kamalasan.
Nanggaling ang Dallas sa isang 22-point loss sa Clippers sa Los Angeles kamakalawa na siyang pang apat na pagkatalo ng Mavericks sa kanilang huling limang laban.
Umiskor si Mayo ng 23 points, kasama ang nasabing go-ahead jumper sa huling 35 segundo.
Nagbigay naman sina Brandan Wright at Darren Collison ng tig-16 points para sa Dallas, habang may 15 si Chris Kaman.
Naglista si Markieff Morris ng 15 points at career-best 17 rebounds para sa Suns, nakabangon mula sa isang 15-point deficit sa third quarter para tumabla sa Mavericks sa huling minuto sa fourth period.
Sa Miami, naglista si Raymond Felton ng season-high 27 puntos at kumunekta ang New York ng 18 triples nang igupo ng Knicks ang Heat, 112-92.
Tumapos si Steve Novak ng 18 puntos at nagdagdag si J. R. Smith ng 13 puntos para sa Knicks.