Juan Ma, Pacman may sorpresa sa isa’t isa

LAS VEGAS--Ang ka­walan nag kasiguruhan kung sino ang mananalo kina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ang siyang magiging susi sa kanilang laban bukas (Manila time) sa MGM Grand Garden Arena.

Pilit na tatapusin nina Pacquiao at Marquez ang kanilang labanan sa pang apat nilang paghaharap.

Sinabi ni Pacquiao na siya ay nasa kanyang pina­kamagandang kondis­yon ngayon kagaya nang ta­lunin niya si legendary Oscar de la Hoya noong 2008.

Hindi pa siya nakakaiskor ng knockout matapos pigilin si Miguel Cotto noong 2009, habang ang kanyang huling mga laban ay dumiretso sa 12 rounds.

Subalit sinabi ni trainer Freddie Roach na ang la­ban ni Pacquiao kay Marquez ay hindi magtatapos sa 12 rounds.

Sa kanilang unang paghaharap ay nakakuha si Marquez ng draw noong 2004 sa featherweight divisions.

Nanalo naman si Pacquiao via split decision sa kanilang rematch noong 2008 at kumuha ng majority decision win noong 2011.

At kung naging mahigpitan ang naturang tatlong laban, parehong determi­nado sina Pacquiao at Marquez na tapusin ang kanilang labanan sa pamamagitan ng knockout.

 

Show comments