Juan Ma mainit na sinalubong sa Vegas

LAS VEGAS, Nevada - Sinalubong ng mga saliw ng musika ng Mariachi at mga palakpak mula sa kanyang mga kababayan, isang grand entrance ang gi­nawa kahapon ni Me­xican Juan Manuel “Dina­mita” Marquez dito sa MGM Grand Hotel para sa kanilang banggaan ni Filipino Manny Pacquiao sa Linggo (Manila time).

Dumating si Marquez ganap na alas-12 ng tang­hali at tumawid sa main door ng MGM Grand Hotel kung san niya binati ang kanyang mga fans, pumirma ng mga autographs at dumiretso kay promoter Bob Arum na kaagad siyang niyakap.

“It will be a tough fight, but I am well prepared,” wika ni Marquez, nagkampeon sa apat na magkakaibang weight divisions.

Nakasama ni Marquez ang kanyang coach na si Ignacio “Nacho” Beristain na sinabing handang-han­da na si Marquez sa pagsagupa kay Pacquiao.

Nasa grupo din ni Marquez ang kanyang physician Dr. Plutarco Gatica.

“I have no doubt that Juan Manuel will win and this time even more convincingly,” wika ng physician kay Marquez.

Nakatakda ang final presser ng Pacquiao-Marquez 4 sa Biyernes at ang weight in ay sa Sabado.

Show comments