Abueva nahirang na PBA Player of the Week

MANILA, Philippines - Patuloy na nagugulu­han ang mga koponan kay Alaska rookie Calvin Abu­eva.

Iginiya ng 2012 PBA No. 2 overalll pick ang Aces sa dalawang sunod na pa­nalo sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup para hirangin bi­­lang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na nagawaran si Abueva ng nasabing pa­rangal matapos magtala ng mga averages na 17.5 points at 10.5 rebounds.

Itinaas ni Abueva ang kan­­yang mga numero sa  20.5 points, 15.0 rebounds, 3.0 assists at 1.5 steals mu­la sa mga pa­nalo ng Alaska kontra sa Me­ralco noong nakaraang Mi­yerkules at sa Globalport no­ong Sabado.

“You’ve just got to admire his efforts on both ends of the court,” ani Aces’ coach Luigi Trillo sa 24-anyos na si Abueva. “He has been the recipient of many hard picks, hard fouls, elbows and what-have-you, but he seldom lo­­ses his focus, never uses those tactics against him as an excuse for letting up on his game.”

Show comments