Hobe vs Skyforce sa finals ng 2nd DELeague

MANILA, Philippines - Itinakda  ng Hobe Bihon at Skyforce Team ang pagtutuos para sa kampeonato ng 2nd DELeague Open Invitational Basketball Cup.

Tinalo ng Hobe Bihon ang Hog’s Breath Café, 89-87, para walisin ang single round robin semifinals sa palarong inorganisa ng Marikina Mayor Del de Guzman at suportado ng PCA-Marivalley, OLOPS College, Jekasa Sportswear, Hobe Bihon, Mckie’s Video, Simply Delicious at LUYONG Panciteria.

Si Christian Jefferson ang bumandera sa Hobe Bihon sa kanyang 23 puntos at 13 boards para ipatikim sa Hog’s Café ang ika­lawang kabiguan sa tat­long laro.

Bilang insentibo sa pag­walis sa semifinals, ang Hobe Bihon ay magkaka­roon ng thrice-to-beat advantage sa Finals.

Tuluyan namang pina­talsik ng Skyforce ang da­ting kampeon Sta. Lucia East Grand Mall sa pa­ma­magitan ng 116-111 ta­gumpay sa overtime.

Show comments