MANILA, Philippines - Dahil na rin sa mabilis na paglaki ng katawan ni Juan Manuel Marquez dalawang linggo bago ang kanilang ikaapat na pagtatagpo ni Manny Pacquiao, inakusahan ni trainer Freddie Roach ang Mexican na gumagamit ng performance-enhancing drugs (PEDs).
“If (his body) is natural, I will kiss his ass,’’ sabi ni Roach sa panayam kahapon ng USA Today sa 39-anyos na si Marquez na sasagupa sa 33-anyos na si Pacquiao sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ang tumatayong strength and conditioning coach ni Marquez ay ang kontrobersyal na si Angel ‘Memo’’ Hernandez na dating nagbibigay ng PEDs kina American track stars Marion Jones at Tim Montgomery.
Kaagad namang dumepensa si Marquez sa akusasyon sa kanya ni Roach.
“I have never done this type of work before. That’s why my body has changed. I have been working very hard, specifically to get more strength,” wika ni Marquez. “Angel is a professional and knows how much weight I am putting on. I am getting more speed and getting stronger at the same time.”
Sa naunang inilabas na larawan ng kampo ni Marquez, litaw na litaw ang mga malalaking muscles ng Mexican fighter.
“(Marquez) has gotten bigger and gained weight -- it throws up a red flag,’’ ani Roach.
Bago ang akusasyon kay Marquez, pinaratangan rin si Pacquiao nina Floyd Mayweather, Jr. at Oscar Dela Hoya na gumagamit ng PEDs sa kanyang mga laban.
Sa dulo, binawi nina Mayweather at Dela Hoya ang kanilang mga sinabi kasabay ng pakikipag-ayos kay Pacquiao.