Pacquiao nagpahinga sa training, namahagi ng turkey at pumpkin pies

MANILA, Philippines - Saglit na iniwanan ni Manny Pacquiao ang kanyang training camp para mamahagi ng mga turkeys at pumpkin pies sa kanyang mga fans sa Los Angeles para sa dara­ting na Thanksgiving Day.

Sa mga larawang inilabas ng Top Rank Promotions, ipinakita ang Filipino icon na nagbibigay ng mga pang handa sa kanyang mga fans sa Westside Shepherd ng Hills Church sa Los Angeles.

Dinumog ng mga fans ang sinasakyang van ni Pacquiao para magpakuha ng larawan at makipagkamay sa boxing superstar.

Lalabanan ni Pacquiao si Juan Manuel Marquez sa Disyembre 9 sa Manila sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasanay ay dumalo si Pacquiao sa ilang sporting events at talk shows sa US.

Show comments